Tohoku

Sanriku Fukko(reconstruction) National Park

national parks
Ang Sanriku Fukko(reconstruction) National Park ay itinatag noong Mayo 2013 upang makatulong sa pagbangon ng area ng Sanriku na nasalanta ng Great East Japan Earthquake. Ang hilagang parte ng parke, humigit-kumulang na 250 km mula hilaga hanggang timog, ay may mga kahanga-hangang bangin na kilala bilang "Alps of the Sea," samantalang ang timog na bahagi ay may magandang rias coastline na may kumplikadong topograpiya. Ang baybayin ay pugaran ng mga seabirds tulad ng petrel at long-billed murrelet. Ang malamig na hamog mula sa dagat at natatanging coastal environment ay nagpayabong din ng iba't-ibang halaman sa baybayin na umangkop dito, na nagbibigay-daan upang masdan ang wildlife nang malapitan. May mga kama ng eelgrass at seaweed sa mababaw na tubig, na sumusuporta sa marine biodiversity. Ang lugar ay may mga pantalan ng pangingisda na kinabibilangan ng ilan sa pinakamalalaking huli sa Japan, kasama ang Hachinohe, Miyako, Kamaishi, Ofunato, Kesennuma, at Ishinomaki, kaya't ito ay nakakaakit na lugar upang tikman ang sariwang seafood. Bilang isang pambansang parke na kakaiba sa Japan, isa sa mga layunin nito ay ang pagbangon mula sa mga kalamidad, at binibisita ito ng mga tao mula sa buong bansa para sa layunin ng pag-aaral tungkol sa edukasyon sa pag-iwas sa sakuna. (Source: Ministry of the Environment website https://www.env.go.jp/nature/nationalparks/list/)]
Pambansang Liwasan o Hapon
Hokkaido
Tohoku
Kanto
Chubu
Kinki
Rehiyon ng Chugoku at Shikoku
Kyushu at Okinawa